Ang Huli kong PISO…

Ito ay kwentong hango sa totoong pangyayari o pwede na ring tawaging “ADVENTURE” ng aking PISO… Pagkatapos mong basahin ang kwento kong ito, siguradong marami ka ng ideas kung paano mo gagastusin ang bawat piso sa pera mo…

Sabi nila bawat piso mahalaga, nalaman kong totoo yun… Nung panahong nahihirapan pa akong magkaroon ng pera, sa di inaasahang pagkakataon may kagimbal-gimbal na himala ang nangyari sa aking buhay… isang bulok na piso ang tumambad sa aking harapan…(GRABE ANG LALIM NG TAGALOG KO… BINABALINGUYNGUY NA TULOY AKO…) Hindi ko makakalimutan ang pangyayaring iyon, 1997 pa nga ang nakalagay sa bandang ilalim ng PISO…

Biglang may lumapit sa akin at sinabing “kuya taya ka naman sa ending”, napaisip ako kung itataya ko ba ang piso ko para sa pagkakataong manalo ng jackpot na tumataginting na 70pesos, pero naisip ko na gusto ko na itong gastusin nung araw ding yon… Kaya hindi ako tumaya sa bata at naglakad ako, nakakita ako ng tindahan bibili sana ako ng MANI, kaso naisip ko na nakaka-taghiyawat nga pala ito… kaya umisip ako ng ibang bibilhin… CANDY ang naisip ko, kaso sumakit nga pala ang ngipin ko nung nakaraang araw kaya hindi ko na binili… Nagisip uli ako, naisip kong bumili ng sigarilyo kaso naalala ko na hindi pala ako naninigarilyo, kaya nagisip uli ako…(GRABE, NAUBOS NA UTAK KO KAKAISIP…)

Ibibili ko sana ng chocolatekaso bukod sa nakakasakit na ito ng ngipin, ito ay nakaka-taghiyawat pa…(OO! Tama, Nakaka-taghiyawat pa ang pagkain ng chocolate… May natutunan na naman kau…) Kaya(as usual) nag-isip uli ako…(GRABE, NGAYON KO LANG NAISIP NA MADAMING BESES PALA AKONG NAGISIP NUNG ARAW NA YUN…)Bibili na lang sana ako ng JUNK FOOD kaso naalala ko ang sinabi ng MOTHERNESS ko na wag daw kumain ng JUNK FOOD…(Kakainin daw ng MONSTER ang Tyan ko… Auko nga mangyari un…) at muli… NAG-ISIP uli ako (WAG KA MAG-ALALA IBA NA INIISIP KO NGAYON) napagtanto ko na wala din naman akong maisip na bilhin kaya umalis na lang ako (SABI KO SAYO IBA NA INIISIP KO EH…) Kaya muli akong nagpatuloy maglakad at sa daanan at nakakita ako ng banner ng bakery kaya pinuntahan ko ito para bumili ng tinapay… Kaso sarado pala ang bakery… Kaya umalis ako at naramdaman ko ang di pangkaraniwang pakiramdam, parang gumuguhit ang init sa aking lalamunan at para bang desyerto ang pakiramdam (SA MADALING SALITA… NAUUHAW NA AKO) Naghanap ako ng mabibilhan ng ice tubig at nung makakita na ako ng konting liwanag sa aking paghahanap (SA MADALING SALITA… NAKAKITA AKO NG ICE TUBIG FOR SALE..) ay biglang sinakluban ng kadiliman ang natitira kong pag-asa (SA MADALING SALITA… NAKITA KONG 1peso at 50cents ANG ICE TUBIG NILA) kulang ang pera ko… Kaya naglakad uli ako..(Kaya ako nauuhaw eh.. Lakad kasi ako ng lakad…) Biglang may nakita akong pamilyar na mukha.. Pinsan ko pala.. Mangungutang sya ng piso… inisip ko kung papautangin ko sya… at naisip kong wag na lang… kaya umalis ako… at nakakita ako ng TUGUDOINKS(isang term ng mga taga sa amin para sa slot machine o kaya fruit game) Dun ko na lang naisip n gastusin ang piso ko.. Akalain mo ba namang TUMAMA AKO ng 10pesos.. Eh natuwa ako itinaya ko ulit… at pagtingin ko sa pera ko ay wala na pala ito dahil natalo na…

Kaya hanggang ngayon naglalakbay pa rin ang piso ko… Sa mga naglalaro sa TUGUDOINKS baka kayo na ang may hawak ng piso ko…

MORAL OF THE STORY:Wag ipang-TUGUDOINKS ang pera para hindi ka mawalan ng pera..

SONG FOR THIS STORY:Ka-tono ng ako ay may lobo…

Ako ay may piso… tinaya sa FRUIT GAME… Di ko na nakita… Naubos na pala… Sayang lang PISO ko… Tinaya sa FRUIT GAME… Kung pagkain sana… Nabusog pa ako… huhuhu..

Advertisements

~ ni emotheraphy sa Mayo 15, 2008.

Isang Tugon to “Ang Huli kong PISO…”

  1. ….ano ang ganda//??//

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: