ang may-ARI ng MALAKING web blog…

APRIL 12,1990 , May isang babae ang naglalabor nang biglang nagningning ang bituin ng JUSHIN sa Langit…At doon sa bandang taas “DAW” ng PGH isinilang ang hari ng kakornihan na nakatakdang magsulat ng walang kwentang BLOG na binabasa nyo ngayon…

Nung bata pa “sya”(cge na nga, “AKO” na..)

Nung bata pa “AKO”(oh ayan na..ANGAL PA..?) ang sabi ng babaeng naglabor nung april 12,1990(nanay ko yun..)(kapag sinabing ang redundant ko nmn… ano bang paki mo BLOG KO KAYA TO…)

ang sabi nya.. “Don’t talk to STRANGERS”,eh masunurin ako kaya sinunod ko..(actually na-realize ko na katangahan pala ung ginawa ko..) hindi ko tuloy kinausap yung mga hindi ko kakilala.. (kahit teacher ko… Ang tanga ko noh..?) ayun lumaki tuloy akong konti lang ang mga friendlalu.. Speaking of teachers, sabi nga pala ng teacher ko dati “Kaya kayo pinapalo ng mga magulang nyo kasi mahal nila kayo… (si ma’am talaga gusto lang makapalo sa amin dinamay pa yung ibang magulang…) Di ko tuloy alam kung dapat ba akong mainggit sa classmate ko… Mahal na mahal na mahal “DAW” kasi xa ng mga magulang nya… 3times a day daw xa kung mahalin ng erpats nya at 4times a day daw xa kung mahalin ng mudra nya…

Mahal(PALO) sya sa umaga, mahal(PALO) sya sa tanghali, mahal(PALO) sya sa gabi.. at sa nanay nya may bonus pa syang miryenda(PALO)… Buti na lang di maxadong showy ung parents ko… Di nila maxadong pinaparamdam na mahal nila ako… BUTI NA LANG…

At ang pamilya pala namin ay N.P.A.(No Permanent Address) hayyy.. ngayon nakaka-11 beses na kaming lumilipat ng bahay… at habang tumatanda aq dumadami na yung mga binubuhat ko… Ang daya nila noh… Hopefully ngayon huling beses na lipat n namin to…(Baka kasi mas dumami pa ung bubuhatin ko.. Ayoko nga..)

Ngayong matanda na ako(18 yrs. old pa lang) Para nang telenovela ang buhay ko.. (kung marunong lang akong mag korean language.. koreanovela na ang buhay ko…) Ayoko nang ikwento ang lahat ng pangyayari.. “MAHABANG istorya” MAS MAHABA pa sa akin… (Uy bastos iniisip nyan… Height yun..) At baka kasi lumabas yung pagka-EMO ko..(baka magalit pa yung pinsan ko..Ayaw pa naman nun sa mga EMO..)

Ngayon pala i’m searching for new friends… yung hindi ako iiwan, yung hindi plastic, yung magpapasaya sa akin…(PABULONG: at yung magbibigay ng LOAD… hihihi) iniwan kc ako ng tropa ko… inichepwera nila ung beauty ko… Hmmppp…

Eto ang message ko para sa bawat isa sa kanila…

Ngayon… kilala nyo na ang ibang ugali ko… it’s your choice kung gusto nyo akong idagdag sa mga set of friends nyo…

Hanggang dito na lang… comment po plssss…

Advertisements

~ ni emotheraphy sa Mayo 14, 2008.

2 Tugon to “ang may-ARI ng MALAKING web blog…”

  1. unang tanong babae ka ba o lalaki? tatapatin na kita di ko trip ang mga emo peeps dahil malungkot ang buhay nun baka madamay pa ko.

    pero mukhang ok ka naman..bata ka pa kaya normal yang mga nararanasan mo..iniwan ka ng tropa? naranasan ko rin yan..kung di ka nila kayang tanggapin di mo dapat ipilit ang sarili mo sa kanila..sus! andaming tao sa mundo.

    welcome pala sa mundo ng blogging. enjoy ur stay!

  2. teKa welcome muna kita!!!WELCOME!!! ayan na welcome na kita hahaha Korni ko ba?

    nakoo Buti nalang din pala at di rin masyado naging showy parentz ko saken heheheh!!!!

    🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: