Para pala akong BALIW…

•Mayo 20, 2008 • Mga Puna

Isang gabi, Habang inaatake na naman ako ng pagka-EMO ko… napagtanto ko na para pala akong BALIW… Dahil ang mga EMO madalas naiyak.. Pero yung mga pinag gagawa ko dito sa web blog ko puro nakakatawa… Ano kayang itsura ng EMO na Tawa ng Tawa… Iyak muna ako sunod tatawa, TEPOK!!! malala na ata ako…? gawain ata ng BALIW ang pag tawa habang umiiyak… Siguro hindi lang ako normal kumpara sa ibang EMO… (Teka..! kung hindi pala ako normal eh di AB NORMAL nga ako…) Ano ba talaga…?

Nangyari yun habang naglalakad ako dito sa bagtas, tanza, cavite… isang madilim na gabi… naglalakad ako sa isang madilim na lugar… AKO lang magisa… nagisip ako… ano nga bang kinatatakutan ko..? Dun ko napagtanto na isa lang ang kinatatakutan kong mangyari.. yun ay kapag nawalan ako ng DATUNG… Hindi dahil sa ibang dahilan… Pero pag nawalan na ako ng DATUNG mawawalan na ako ng pagkakataon na mapasaya ang mga taong nakakabasa ng KORNI kong blog… (Kung meron nga…) Ayan nalaman nyo na kung anong kinatatakutan ko… kaya please lang bigyan nyo na lang ako ng Pera para makapag BLOG pa ako… (hihihi… JOKE..) Sa mga makakabasa ng blog na ito… wag nyong isipin na baliw ang author ng KORNING blog na binabasa nyo… I’m just UNIQUE… Til here na lang muna wala na akong time…

BYE…. Comment po kayo sa ibang blog na gawa ko…. marami pa po kayong mababasa sa ibang post ko….

Mga Kasinungalingan sa MUNDO…

•Mayo 20, 2008 • Mga Puna

Ito ay ilan lamang sa kasinungalingan sa mundo na alam natin… Maniwala kayo, lahat ng isusulat ko dito ay pawang katotohanan lamang kung anong mga kasinungalingan sa mundo… (Teka parang ang gulo…?) Basta yun na yun… kung anong naintindihan nyo, yun na yun…

Simpleng Kasinungalingan sa mundo…

1.Practice Makes perferct..(But nobody’s PERFECT…)

2.May pakpak ang balita, may tainga ang lupa… (Sus! Madami lang talaga ang chismoso..)

3.Pag may usok, may apoy… (Bakit umuusok ang YELO..?)

4.Syam ang buhay ng pusa… (Ows..? Tlaga lang ha…?)

5.Magpakabait, para makatanggap ng regalo galing kay santa… (Kalokohan..! Gawa-gawa lang yan ng mga magulang para hindi sila mahirapan sayo… Tingnan mo sila walang regalo kay santa pag pasko kasi mga sinungaling…)

6.Mahal ka ng magulang mo kaya ka pinapalo… (Kalokohan..! Pano pag di ka pinalo..? ibig sabihin ba nun hindi ka nila mahal..?”

7.Pusa ang laman ng siopao… (Sino bang tanga ang naniniwala dun..?)

Dito na natatapos ang SIMPLENG KASINUNGALINGAN SA MUNDO… At dito na papasok ang Mga EXTRA ORDINARYONG KASINUNGALINGAN SA MUNDO…!

Extra Ordinaryong Kasinungalingan sa mundo…!

1.Kung sinong unang magsalita, sya ang umutot… (Kasinungalingan, madalas yung pangalawang magsalita o yung tahimik sa isang tabi ang UMUTOT…)

2.Pag cute ka habulin ka… (Bakit ako hindi…?)

3.Cigarette smoke kills.. (Kung sisinghutin mo lahat ng ilalabas mong usok…)

4.18.25pesos ang presyo ng NFA rice… (Kalokohan bkit sa amin 19pesos… Ayaw ibigay ang sukli..?)

5.Pangpatangkad daw ang pag kain ng kabute… (ano ka si super mario..? tenen ten tenen ten..)

6.Hindi mahal ni michael jackson si billy jeans… At hindi nila anak yung sinasabi nya… (Paano magkakaanak dun si michael jackson eh Bakla sya…)

7.Gamot daw sa taghyawat ang pagkain ng saging… Saan ka daw nakakita ng unggoy na may taghyawat..? (Bakit ako may taghyawat..? Nakain naman ako ng saging…)

8.Para tumangkad, tumalon ka pag new year… (Bakit yung kakilala ko nag jujumping rope pag new year, hindi pa rin natangkad…?)

9.Ang kasunod daw na number ng “7” ay “8”, Number “2” kaya ang kasunod ng “7”… (ANGAL KAYO…? BLOG KO TOH…!)

10.Syota ko si Iya Villania… (ECHOS..!)

Dyan na po nagtatapos ang mga kasinungalingan sa mundo portion ng blog ko…. Comment po kayo pls……

Ang Mahiwagang Tubig… (BOW…)

•Mayo 16, 2008 • Mga Puna

Ayon sa nabasa nyong pamagat kanina lang… Ang ikukwento ko ngayon ay…

Walang kinalaman sa MAHIWAGANG CHUVA  EVERLU na yun…

Ito ay tungkol sa isang dugong bughaw nagpasok ng censored na bagay sa babaeng naglabor noong APRIL 12, 1990…(OO! Tama ka! Tatay ko nga sya..) Sya ang may kasalanan kung bakit nagbabasa ka ngayon ng korning blog..(Sisihin sya…Whohooo… Sya din ang may kasalanan kung bakit nadagdagan ang CUTE sa world na ito…) Ikukwento ko ang isang kwento na pwede nyong hindi paniwalaan pero totoo… Ang Kwento ng CHISMOSONG PIPI… Kung itatanong nyo kung ang kinalaman nya sa fatherlu ko… Actually WALA…

(JOKE…!)

Sya lang naman ang CHISMOSONG PIPI na tinutukoy ko… Nabuhay sya noong august 17, uhhhhmmmmmmm…. Basta august 17 yun at 50+ na sya ngayon… (di ko kasi alam kung kelan sya pinanganak…) Sya ay masipag, mabait, mapagmahal sa pamilya(pero lumaki sya sa ibang pamilya…), maalalahanin, pilyo, mahilig sa chickz at higit sa lahat sya at wala nang iba ang may kasalanan kung bakit kulot ang buhok ko ngayon(Namana ko daw sa kanya…)

Nagtrabaho si fatherlu bilang seaman dati pero tumigil sya nung makilala nya ang ENCANDYOSA kong motherness… Sabi ni motherness tanga daw si fatherlu kasi tumigil sya sa pagiging seaman (I second the motion!) sabi ng kapatid ko “i third the motion!”… nagtinda sila sa palengke dati kaso hindi successful sa bandang huli, dahil nagtrabaho si fatherlu sa baranggay bilang konsehal nahirapanna si motherness sa tindahan, si fatherlu ay mejo nahilig sa CASINO (WOW.. Casino, tongitan lang yun pinaganda ko lang..), Kaya hindi rin kami nakabawi…. Dumating ang isang not so beautiful day in our lives… Na-stroke si fatherlu (huhuhu ang drama na tuloy…) Nakabawi ang katawan nya  pero hindi n sya nakakapagsalita, pero ito ang PETMALU… Kahit ganun sya, ang hilig nyang magkwento ng kung anu-anong naririnig nya… Pero hirap na hirap na hirap naman kaming intindihin ang sinasabi nya (para kaming nasa pinoy henyo pag nagkukwento sya..)  Tapos nagagalit pa sya pag hindi namin sya naiintindihan… (HALLLEEEERRRRR,  kasalanan ba namin yun…?) Pero kahit ganun kwento pa rin sya ng kwento, minsan nga nauuna pa sya sa mga balita dito sa amin… Oh ayan na may natutunan na naman kayong EXTRA ORDINARYONG kaalaman  galing sa emotheraphy’s EXTRA ORDINARY CHUVA EVERLU….

Brought to you by: Ang himpilang puno ng kakornihan… http://www.emotheraphy.wordpress.com

Special thanks to:

FUNENARIA ZAMORA for my hair and make-up….

Ang Huli kong PISO…

•Mayo 15, 2008 • 1 Puna

Ito ay kwentong hango sa totoong pangyayari o pwede na ring tawaging “ADVENTURE” ng aking PISO… Pagkatapos mong basahin ang kwento kong ito, siguradong marami ka ng ideas kung paano mo gagastusin ang bawat piso sa pera mo…

Sabi nila bawat piso mahalaga, nalaman kong totoo yun… Nung panahong nahihirapan pa akong magkaroon ng pera, sa di inaasahang pagkakataon may kagimbal-gimbal na himala ang nangyari sa aking buhay… isang bulok na piso ang tumambad sa aking harapan…(GRABE ANG LALIM NG TAGALOG KO… BINABALINGUYNGUY NA TULOY AKO…) Hindi ko makakalimutan ang pangyayaring iyon, 1997 pa nga ang nakalagay sa bandang ilalim ng PISO…

Biglang may lumapit sa akin at sinabing “kuya taya ka naman sa ending”, napaisip ako kung itataya ko ba ang piso ko para sa pagkakataong manalo ng jackpot na tumataginting na 70pesos, pero naisip ko na gusto ko na itong gastusin nung araw ding yon… Kaya hindi ako tumaya sa bata at naglakad ako, nakakita ako ng tindahan bibili sana ako ng MANI, kaso naisip ko na nakaka-taghiyawat nga pala ito… kaya umisip ako ng ibang bibilhin… CANDY ang naisip ko, kaso sumakit nga pala ang ngipin ko nung nakaraang araw kaya hindi ko na binili… Nagisip uli ako, naisip kong bumili ng sigarilyo kaso naalala ko na hindi pala ako naninigarilyo, kaya nagisip uli ako…(GRABE, NAUBOS NA UTAK KO KAKAISIP…)

Ibibili ko sana ng chocolatekaso bukod sa nakakasakit na ito ng ngipin, ito ay nakaka-taghiyawat pa…(OO! Tama, Nakaka-taghiyawat pa ang pagkain ng chocolate… May natutunan na naman kau…) Kaya(as usual) nag-isip uli ako…(GRABE, NGAYON KO LANG NAISIP NA MADAMING BESES PALA AKONG NAGISIP NUNG ARAW NA YUN…)Bibili na lang sana ako ng JUNK FOOD kaso naalala ko ang sinabi ng MOTHERNESS ko na wag daw kumain ng JUNK FOOD…(Kakainin daw ng MONSTER ang Tyan ko… Auko nga mangyari un…) at muli… NAG-ISIP uli ako (WAG KA MAG-ALALA IBA NA INIISIP KO NGAYON) napagtanto ko na wala din naman akong maisip na bilhin kaya umalis na lang ako (SABI KO SAYO IBA NA INIISIP KO EH…) Kaya muli akong nagpatuloy maglakad at sa daanan at nakakita ako ng banner ng bakery kaya pinuntahan ko ito para bumili ng tinapay… Kaso sarado pala ang bakery… Kaya umalis ako at naramdaman ko ang di pangkaraniwang pakiramdam, parang gumuguhit ang init sa aking lalamunan at para bang desyerto ang pakiramdam (SA MADALING SALITA… NAUUHAW NA AKO) Naghanap ako ng mabibilhan ng ice tubig at nung makakita na ako ng konting liwanag sa aking paghahanap (SA MADALING SALITA… NAKAKITA AKO NG ICE TUBIG FOR SALE..) ay biglang sinakluban ng kadiliman ang natitira kong pag-asa (SA MADALING SALITA… NAKITA KONG 1peso at 50cents ANG ICE TUBIG NILA) kulang ang pera ko… Kaya naglakad uli ako..(Kaya ako nauuhaw eh.. Lakad kasi ako ng lakad…) Biglang may nakita akong pamilyar na mukha.. Pinsan ko pala.. Mangungutang sya ng piso… inisip ko kung papautangin ko sya… at naisip kong wag na lang… kaya umalis ako… at nakakita ako ng TUGUDOINKS(isang term ng mga taga sa amin para sa slot machine o kaya fruit game) Dun ko na lang naisip n gastusin ang piso ko.. Akalain mo ba namang TUMAMA AKO ng 10pesos.. Eh natuwa ako itinaya ko ulit… at pagtingin ko sa pera ko ay wala na pala ito dahil natalo na…

Kaya hanggang ngayon naglalakbay pa rin ang piso ko… Sa mga naglalaro sa TUGUDOINKS baka kayo na ang may hawak ng piso ko…

MORAL OF THE STORY:Wag ipang-TUGUDOINKS ang pera para hindi ka mawalan ng pera..

SONG FOR THIS STORY:Ka-tono ng ako ay may lobo…

Ako ay may piso… tinaya sa FRUIT GAME… Di ko na nakita… Naubos na pala… Sayang lang PISO ko… Tinaya sa FRUIT GAME… Kung pagkain sana… Nabusog pa ako… huhuhu..

ang may-ARI ng MALAKING web blog…

•Mayo 14, 2008 • Mga Puna

APRIL 12,1990 , May isang babae ang naglalabor nang biglang nagningning ang bituin ng JUSHIN sa Langit…At doon sa bandang taas “DAW” ng PGH isinilang ang hari ng kakornihan na nakatakdang magsulat ng walang kwentang BLOG na binabasa nyo ngayon…

Nung bata pa “sya”(cge na nga, “AKO” na..)

Nung bata pa “AKO”(oh ayan na..ANGAL PA..?) ang sabi ng babaeng naglabor nung april 12,1990(nanay ko yun..)(kapag sinabing ang redundant ko nmn… ano bang paki mo BLOG KO KAYA TO…)

ang sabi nya.. “Don’t talk to STRANGERS”,eh masunurin ako kaya sinunod ko..(actually na-realize ko na katangahan pala ung ginawa ko..) hindi ko tuloy kinausap yung mga hindi ko kakilala.. (kahit teacher ko… Ang tanga ko noh..?) ayun lumaki tuloy akong konti lang ang mga friendlalu.. Speaking of teachers, sabi nga pala ng teacher ko dati “Kaya kayo pinapalo ng mga magulang nyo kasi mahal nila kayo… (si ma’am talaga gusto lang makapalo sa amin dinamay pa yung ibang magulang…) Di ko tuloy alam kung dapat ba akong mainggit sa classmate ko… Mahal na mahal na mahal “DAW” kasi xa ng mga magulang nya… 3times a day daw xa kung mahalin ng erpats nya at 4times a day daw xa kung mahalin ng mudra nya…

Mahal(PALO) sya sa umaga, mahal(PALO) sya sa tanghali, mahal(PALO) sya sa gabi.. at sa nanay nya may bonus pa syang miryenda(PALO)… Buti na lang di maxadong showy ung parents ko… Di nila maxadong pinaparamdam na mahal nila ako… BUTI NA LANG…

At ang pamilya pala namin ay N.P.A.(No Permanent Address) hayyy.. ngayon nakaka-11 beses na kaming lumilipat ng bahay… at habang tumatanda aq dumadami na yung mga binubuhat ko… Ang daya nila noh… Hopefully ngayon huling beses na lipat n namin to…(Baka kasi mas dumami pa ung bubuhatin ko.. Ayoko nga..)

Ngayong matanda na ako(18 yrs. old pa lang) Para nang telenovela ang buhay ko.. (kung marunong lang akong mag korean language.. koreanovela na ang buhay ko…) Ayoko nang ikwento ang lahat ng pangyayari.. “MAHABANG istorya” MAS MAHABA pa sa akin… (Uy bastos iniisip nyan… Height yun..) At baka kasi lumabas yung pagka-EMO ko..(baka magalit pa yung pinsan ko..Ayaw pa naman nun sa mga EMO..)

Ngayon pala i’m searching for new friends… yung hindi ako iiwan, yung hindi plastic, yung magpapasaya sa akin…(PABULONG: at yung magbibigay ng LOAD… hihihi) iniwan kc ako ng tropa ko… inichepwera nila ung beauty ko… Hmmppp…

Eto ang message ko para sa bawat isa sa kanila…

Ngayon… kilala nyo na ang ibang ugali ko… it’s your choice kung gusto nyo akong idagdag sa mga set of friends nyo…

Hanggang dito na lang… comment po plssss…

TOP TEN MASAYANG GAWIN PAG WALANG MAGAWA

•Mayo 13, 2008 • Mag-iwan ng Puna

E2 ang aking TOP 10 masayang gawin pag walang magawa…

(Paalala:Gawin lamang sa loob ng bahay)

#10-Durugin ang moth balls at gawing polvoron..(Salap-salap…. Uhhhmmmm…)

#9-Magsuot ng blind fold at umikot ng 10beses tapos hanapin ang fire exit..(pag walang fire exit pinto na lang…)

#8-Papakin ang coffee mate tapos inom ng mainit na tubig…(Samahan ng kape para terno..)

#7-Maghanap ng Music sa A.M. Radio..(mas masaya kung Bahay Kubo yung kanta..)

#6-Makipagtitigan sa butiki ang unang gumalaw talo…(bilangin kung ilang beses kang nanalo at natalo..)

#5-Kutuhan ang buhok sa binti..(Sabay kanta ng leron leron sinta…)

#4-Magbilang ng alikabok… habang naka-binoculars…

#3-Tumapat sa electric fan at magpalipad ng saranggola…

#2-Maghanap ng 110V na appliance at isaksak sa 220V na saksakan… Sabay sigaw ng HAPPY NEW YEAR..!

#1-Balutin ang UTOT sa Supot , pumunta sa sulok ng bahay at Amoy-amuyin..(TIP:Solohin ang amoy para mas SOLID ung amoy…)

UNANG PASABOG…

•Mayo 11, 2008 • Mga Puna

Sa una kong blog, magkukwento muna ako tungkol sa pinsan kong lalake… Na itago na lang natin sa pangalang “ROSE ANNE”..

BABALA: Pasintabi sa mga kumakain… Ang susunod nyong mababasa ay maaari nyong ikawala ng gana sa pagkain.. Patnubay ng magulang ay kailangan..

Isang gabi habang online kami sa Y.M. at nkaopen pa kami ng web cam.. (Nahihiya pa nga syang humarap dun sa web cam eh..) ay may di inaasahang pangyayari ang naganap.. Ang pinsan kong si “ROSE ANNE” ay nagpasabog ng Carbon Monoxide (sa salitang tagalog: sya ay UMUTOT) “hahaha…” grabe.. hindi nya lang yun ginawa ng isang beses… APAT na MALULUFET na beses nya yun inulit… Parang REVOLVER na may apat na bala ung PWET nya… “hahaha…” Grabe nahiya syang humarap sa web cam pero hindi sya nahiyang UMUTOT sa COMPUTER SHOP…

THE END..

Sorry kung pangit pa yung blog ko.. First time kc eh…

Comment naman kayo…

Please… Wag muna bad comments… next time na lang kayo mag comment ng masama… Baka kc mawalan ako ng gana mag blog eh…

TQ…